Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ang Bataan Death March

           Ang Bataan Death March ay nagsimula noong Abril 1942. Ang mga sumukong sundalo ng Estados Unidos at Pilipinas ay sapilitang   pinaglakad nang 65 milya simula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Marami ang namatay sa paglalakad sapagkat hindi kinaya ang gutom at pagod ang iba naman na hindi na makalakad ay binabayonete. Sila ay naglakad ng mahigit limang araw. Pagdating ng mga Pilipino at Amerikano sa Pampanga sila ay ikinulong kung saan mas madami pang namatay dahil sa sakit at labis na kagutuman. Oktubre taong 1944 idineklara ang pahkatalo ng Estados Unidos sa Pilipinas. Bago umalis noong 1942 si Heneral Douglas Macarthur ito ay nangakong babalik at binigkas ang sikat na linyang "I shall return" na kanya namang tinupad at kanilang nabawi ang Bataan, Maynila at Peninsula taong 1945.  Mary Kayla Zapata (Digital Poster)

Unang Pag-aalsa Laban sa Imperyalismong Hapon

  Bataan Death March Sanggunian: https://www.flickr.com/photos/kentuckyguard/8569696270 at Lisensya: https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/legalcode   Ang pag-atake ng mga Hapon sa Pilipinas ay nagsimula noong Disyembre 8, 1941. Sampung oras matapos ang pag-atake nito sa Pearl Harbor, sinunod nilang pasabugin ang isang base militar ng Estados Unidos na nasa Clark, Pampanga.   Taong 1942, ika-22 ng Disyembre, lumapag ang grupo ng mga sundalong Hapones sa Lingayen Gulf. Patuloy ang paglusob nito tungo sa Gitnang Luzon hanggang sa makarating sila sa Lungsod ng Maynila. Marami ang mga nasirang kabuhayan at kagamitan ng mga taong naninirahan sa Kamaynilaan noong mga panahon na iyon. Daan-daang tao ang nasaktan at namatay.   Tunay na malakas ang pwersa ng Imperyalismong Hapon, dahil hindi inaasahan ang pagsalakay ng malaking bilang ng mga sundalong Hapones sa Pilipinas. Dahil sa patuloy na paghina ng alyansang Pilipino-Amerikano, nagpayo ang dating Presidente ...

Handa na ang mga Gerilya na Lumaban sa Digmaan

     Ang Filipino Guerrillas ay bahagi ng kilusang paglaban ng Pilipinas, noong 1941 hanggang sa 1945 na sumalungat sa Japanese Military Power pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan at Corregidor sa Luzon ng Pulo ng Pilipinas na may aktibong aktibidad sa ilalim ng lupa at gerilya na tumaas sa mga nakaraang taon. Ang mga ito ay kasangkapan sa sandata ng Allied & Indatives tulad ng kutsilyo ng Bolo, Thompson Sub-Machine Gun, at Browning M1919A4. 1   Zymon Rubi (Digital Sketch)

Pagsiklab ng Kilusang Gerilya

  Franz Mikhail Torres (Infographics)

Ang Magiting na Heneral

     Si Douglas MacArthur ay kilala bilang isang magiting na sundalo at heneral noong ikalawang digmaang pandaigdig noong 1939-1945. Siya ang punong heneral noon ng Hukbong Pilipinas ng bombahin ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Dahil malakas ang pwersa ng mga sundalong hapon, siya at ang kanyang pamilya ay lumisan patungong Australia. Ang kanyang tanyag na salita "I shall return" o "Ako ay magbabalik" ang naging pag-asa ng bansang Pilipinas upang makalaya sa pananakop ng hapon.   Rhod Whady Bernardo (Digital Sketch)

Umpisa ng Pananakop ng Japan: Martsa ng Kamatayan sa Bataan

       Nangingibabaw ang Hapones hinggil sa pagpasok sa unang linya ng proteksyon sa Bataan at, mula sa Corregidor, walang ibang pagpipilian si MacArthur maliban sa pag-ayos ng isang nakakalungkot at galit na pag-atras sa peninsula. Ang 76,000 nagugutom at nanghihina na mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan ay sumuko sa mga Hapones noong Abril 9, 1942. Hinatid ng mga Hapones ang kanilang mga bilanggo sa isang malupit at kriminal na Death March kung saan 7,000-10,000 ang namatay o pinatay bago magpakita sa internment camps sampung araw ang makalipas.   Patil, H. (January 5, 2021) Japanese Occupation of the Philippines.             https://alchetron.com/Japanese-occupation-of-the-Philippines John Lenard Pineda (Photo)

Pilipino sa Kamay ng mga Hapon

       Sa loob ng tatlong taon, maikli man kung ikukumpara sa daang taong pananakop ng mga Espanyol, higit na pasakit at pangaalipin ang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Taliwas sa ipinangakong payapa at maunlad na bansa, ang mga Hapon ay nagdulot ng lubhang kahirapan sa mga Pilipino.               Ang mga kababaihan ay kanilang ginawang mga comfort women. Maraming kababaihan ang naging biktima ng panggagahasa at pangaalipusta mulas sa mga Hapones. Ang masalimuot na pangyayaring ito ay itinanggi ng pamahalaang Hapon, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992. Nagkaroon din ng suliraning pangkabuhayan noong mga panahong iyon na kung saan nagkulang ang mga Pilipino sa pagkain dahil sa pagkasira ng kanilang mga taniman at sakahan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribu...