Lumaktaw sa pangunahing content

Unang Pag-aalsa Laban sa Imperyalismong Hapon

 


Bataan Death March

Sanggunian: https://www.flickr.com/photos/kentuckyguard/8569696270 at
Lisensya:
https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/legalcode

 

Ang pag-atake ng mga Hapon sa Pilipinas ay nagsimula noong Disyembre 8, 1941. Sampung oras matapos ang pag-atake nito sa Pearl Harbor, sinunod nilang pasabugin ang isang base militar ng Estados Unidos na nasa Clark, Pampanga.

 

Taong 1942, ika-22 ng Disyembre, lumapag ang grupo ng mga sundalong Hapones sa Lingayen Gulf. Patuloy ang paglusob nito tungo sa Gitnang Luzon hanggang sa makarating sila sa Lungsod ng Maynila. Marami ang mga nasirang kabuhayan at kagamitan ng mga taong naninirahan sa Kamaynilaan noong mga panahon na iyon. Daan-daang tao ang nasaktan at namatay.

 

Tunay na malakas ang pwersa ng Imperyalismong Hapon, dahil hindi inaasahan ang pagsalakay ng malaking bilang ng mga sundalong Hapones sa Pilipinas. Dahil sa patuloy na paghina ng alyansang Pilipino-Amerikano, nagpayo ang dating Presidente Manuel L. Quezon kay Heneral Douglas Macarthur na gawing Open City ang Maynila, na idineklara noong Disyembre 26, 1941. Ito ay upang maiwasan ang mas malaking pinsala na maaaring idulot ng pag-atake sa lugar. Tuluyan ng nasakop ng mga Hapones ang Maynila noong Enero 2, 1942.

 

Nanuluyan muna ang hukbo ni Heneral Douglas Macarthur sa Bataan upang pahupain ang nanghinang pwersa ng Estados Unidos. Ngunit sa kasamaang palad, natunton pa rin ang hukbong namamalagi sa Bataan ng mga sundalong Hapon, kaya’t sinugod nito ang unang linyang pandepensa ng alyansa ng Pilipino-Amerikano. Walang alternatibong solusyon na inihanda si Heneral Douglas Macarthur, kung kaya’t dahan-dahan silang kumilos paalis sa Bataan Peninsula upang maisalba ang bilang ng alyansang Pilipino-Amerikano sa paglusob ng mga Hapon.

 

            Lumisan naman ng Corregidor ang dating Presidente Manuel L. Quezon at Bise-Presidente Sergio Osmeña sakay ng isang submarine, upang bumuo ng labas sa bansang-pamahalaan sa Estados Unidos. Noong Marso 11, 1942, sumunod naman na tumakas sa Corregidor si Heneral Douglas Macarthur kasama ng kanyang pamilya, at iba pa niyang miyembro upang pumunta sa hilagang baybayin ng Mindanao. Sumakay sila sa isang transportasyon pandagat na tinatawag na PT-41 na palayag papuntang Australya na pinamahalaan ni Tenyente John D. Bulkeley.

 

            Kasabay ng paglisan ni Heneral Douglas Macarthur sa Corregidor, ay ang pag-atas niya kay Tenyente-Heneral Wainwright upang pamahalaan ang natitirang hukbo sa Corregidor na tinawag na Hukbong Lakas ng Estados Unidos sa Pilipinas (United States Forces in the Philippines (USFIP)).

 

            Patuloy na humina ang hukbo ng alyansang Pilipino-Amerikano na nasa Bataan, na pinamumunuan ni Heneral Edward King Jr.. Dumanas ng matinding tag-gutom, at dinapuan ng sakit ang iba mga sundalo. Hindi na kaya pa na lumaban ang mga sundalong Pilipino-Amerikano kaya’t isinuko ni Heneral Edward King Jr. ang mahigit 75,000 na hukbo sa kamay ng mga Hapones. Ito ang naging simula ng lubusang pagpapahirap sa mga nasupil na sundalo, ang kalunos-lunos na Bataan Death March.

 

 

            Tinipon ng mga Hapon ang mga bihag nilang sundalo, pwersahang ginapos at pinag martsa ng 65 milya mula sa Mariveles, Bataan papuntang San Fernando, Pampanga kung saan sila ipipiit. Hinati ng mga Hapon ang mga sundalo sa tig-isang daan na miyembro kada grupo, nag martsa sa ilalim ng tirik na araw na walang bigay na tubig at pagkain. Lubusan na pinahirapan ng mga Hapon ang mga bihag na sundalo. Hindi binigyan ng medisina ang mga sugatang kalalakihan bagkus ay binugbog, binayoneta, at ang karimarimarim na pagpugot ng ulo sa mga hindi na kaya na magpatuloy magmartsa. Walang awang pagpaslang at pagbaril ang ginawa ng Imperyalismong Hapon sa mga sundalong nanghihina at tumumba sa gitna ng martsa. May isang kaso ng mga sundalong sumuko na may bilang na 350, ay walang awang pinaslang sa ilog. Bigkas ni Tenyente-Kolonel Masanobu Tsuji, marapat lamang ang trato na ito sa mga sundalong Pilipino-Amerikano dahil sila ay mga bastardo. Nararapat lamang itong pahirapan, dahil hindi ito nararapat na respetuhin.

 

            Mula sa San Fernando, Pampanga, bumiyahe patungo sa Capas, hanggang sa makarating sila sa piitan ng Kampo ng O’Donnell. Tinatayang bilang ng 7,000 ang namatay sa gitna ng pag martsa. Ang mga bihag na sundalong Pilipino-Amerikano ay ipinadala sa Hapon para maging trabahador sa barkong tinawag nilang Hellships. Marami ang namatay na mga sundalo dahil sa sakit habang lulan sila ng barkong Hellships.

 

            Ang Corregidor na lamang ang natitirang kanlungan ng alyansang Pilipino-Amerikano, ang huling balwarte nila mula sa mga Hapon. Isa itong isla na matatagpuan sa entrada ng dagat-dagatan ng Maynila. Ngunit patuloy ang pagbomba ng mga Hapon dito kung kaya’t walang laban na sumuko ang mga Pilipino at Amerikanong depensa ng Pilipinas.

 

            Taong 1942, ika-6 ng Mayo, tuluyan ng isinuko ni Tenyente-Heneral Jonathan Wainwright ang labanan sa Corregidor sa Imperyalismong Hapon. Mahalaga sa mga Hapon ang pag-angkin sa Corregidor dahil balak nila itong gamitin sa kanilang kampanya. Nagsilbi ito na kanlungan ng kanilang pandigmaang armas.

 

            Kalunos-lunos ang dinanas ng mga Pilipino, pati na rin ng mga Amerikano, sa kamay ng Imperyalismong Hapon. Ang pagtindig at pagdepensa sa Pilipinas  hanggang sa huling hininga. Maraming nasawi, binawian ng buhay sa karimarimarim na pamamaraan. Makikita sa artikulong ito kung gaano kalupit, at walang awa ang mga Hapon sa ating mga sundalo noong mga panahon na ito. Namatay sila para sa bayan. Itinaya ang buhay upang ilaban ang Pilipinas.

 

 

 

 

 

Mga Sanggunian:

 

-          http://malacanang.gov.ph/75587-fall-of-corregidor/

-          https://thestrategybridge.org/the-bridge/2018/4/10/the-battle-of-bataan-and-the-bataan-death-march

-          https://www.nationalww2museum.org/war/articles/liberation-of-philippines-cecilia-gaerlan

-          https://www.history.navy.mil/browse-by-topic/wars-conflicts-and-operations/world-war-ii/1942/bataan-corregidor.html

 

 

Criscelle Magallon (Article)

           

 

           

 

           

 

 

 

 

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Pagdurusa Ng Mga Pilipino Sa Kamay Ng Mga Haponeses

                         Isa ang pananakop ng mga Hapones sa mga kaganapang nagdulot ng matinding pagbabago sa pamumuhay at pangkalahatang kalagayan ng bansang Pilipinas. Sa loob ng tatlong taong pananakop ng mga ito sa bansa, hindi maipagkakaila ang bigat na dinanas ng mga Pilipino sa mapang-abusong kamay ng mga Hapones. Ngunit noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, nagwakas ang kanilang pananakop noong sumuko ang mga ito kay Heneral Douglas MacArthur. Bago mangyari ang nasabing pagsuko ng mga Hapones, ilang hindi malilimutang pangyayari ang naganap tulad ng Bataan Death March; It is estimated that as many as 10,000 men, weakened by disease and malnutrition and treated harshly by their captors, died before reaching their destination. Quezon and Osmeña had accompanied the troops to Corregidor and later left for the United States, where they set up a government in exile. (Congress, n.d.)   Noon rin ay nag-...

Pilipinong Lumalaban para sa Kalayaan

            Ang ating bansa ay sinalakay ng anim na mga bansa at kasama ang Japan. Sinakop ng Japan ang Pilipinas sa loob ng mahigit na tatlong taon ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa Japan sa ating bansa ay ang interethnic na relasyon, mga hidwaan sa teritoryo, mga hidwaan sa dagat, diplomasya at marami pa. Ang ilang mga kadahilanan na humantong sa pagsalakay ng mga Hapon sa Pilipinas kung saan ang perlas na pantalan ng Amerikanong sasakyang panghimpapawid na malubhang napinsala sa unang panahon ng pag-atake ng Hapon na napalaya ang Pilipinas mula sa Hapon ay sa pamamagitan ng heneral na si MacArthur sapagkat tinupad niya ang pangako na ibabalik niya ang Pilipinas at na ang Leyte at Mindoro ay mawawala ang mga sundalong Hapon.           Ipinapakita rin nito kung gaano matapang ang ating mga kapwa Pilipino sa pagpapalaya sa ating bansa mula sa mga mananakop na iyon. Maliban dito, ang mga impluwensyang nagmula sa kanil...

Ang Paglaya ng Pilipinas sa Kamay ng mga Hapon

                     N oong Setyembre 3, 1945 pormal na nag wakas ang pananakop ng mga hapon sa Pilipinas. Rhod Whady Bernardo (Digital Sketch)