Sa loob ng tatlong taon, maikli man kung ikukumpara sa
daang taong pananakop ng mga Espanyol, higit na pasakit at pangaalipin ang
dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Taliwas sa ipinangakong payapa
at maunlad na bansa, ang mga Hapon ay nagdulot ng lubhang kahirapan sa mga
Pilipino.
Ang
mga kababaihan ay kanilang ginawang mga comfort women. Maraming kababaihan ang
naging biktima ng panggagahasa at pangaalipusta mulas sa mga Hapones. Ang masalimuot
na pangyayaring ito ay itinanggi ng pamahalaang Hapon, hanggang sa
naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan
noong 1992. Nagkaroon din ng suliraning pangkabuhayan noong mga panahong iyon
na kung saan nagkulang ang mga Pilipino sa pagkain dahil sa pagkasira ng
kanilang mga taniman at sakahan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng
pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control
upang magrasyon ng mga pagkain. Nagtayo din ito ng mga Bigasang Bayan (BIBA)
upang maging maayos ang pagbebenta ng bigas. Ipinatupad rin ng mga Hapones ang
paggamit ng mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng mga Pilipino bilang
Mickey Mouse Money sapagkat halos wala itong halaga. Higit pa sa mga ito,
Pilipino man ang siyang nakaupong pangulo, kapangyarihang mula sa mga Hapones
pa rin ang siyang naghari sa bansa. Sa kagustuhan ng pangulo na humupa kahit
papaano ang pananamantala ng mga Hapones sa mga Pilipino, siya ay naging
sunod-sunuran sa mga utos ng mga ito. Tinawag ang pamahalaang ito bilang Puppet
Government sa rehimeng Jose Laurel. Kasabay ng mga ito ang pagbabago rin sa
edukasyon ng bansa. Sa bisa ng Military Order No.2, nilikha ang Commission of
Education, Health and Public Welfare. Ilan sa mga layunin nito ang pagsupil sa
mga kaisipang kanluranin, pagtuturo ng wikang Nippongo at pagtaguyod ng
pagmamahal sa paggawa.
Makikita
ang lubhang pagkaalipin ng mga Pilipino sa panahong ito. Nilimas ng mga Hapon
hindi lamang ang yaman ng bansa kung hindi pati na rin ang dignidad at buong
kalayaan ng mga Pilipino. Nakamit man natin ang kalayaan matapos ito, nakaukit
pa rin sa mga Pilipino ang madlim na nakaraang ito.
Reference:
Lance
Gerard P. Abalos LPT, M. (2012, February 08). SlideShare. Retrieved from
https://www.slideshare.net/lanceabalos/panahon-ng-hapon
Image Source:
·
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpanahonngpilipino.weebly.com%2F1941-1946.html&psig=AOvVaw3kGqkAPj2HdO-yOA7IN_b5&ust=1621769735467000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjeo5iZmd3wAhUNkJQKHU3xAKIQr4kDegQIARBx
·
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2F707sochi.ru%2Ftl%2Fpoluchenie-vizy%2Fyaponskie-zverstva%2F&psig=AOvVaw3kGqkAPj2HdO-yOA7IN_b5&ust=1621769735467000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCKDejrmZ3fACFQAAAAAdAAAAABAV
·
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fdepedmuntinlupa.ph%2Fsucat-es%2Fwp-content%2Fuploads%2F2021%2F02%2FV.2AP6_Q2_W7_Paraan-ng-Pakikipaglaban-ng-mga-Pilipino-para-sa-Kalayaan-Laban-sa-Hapon.pdf&psig=AOvVaw3kGqkAPj2HdO-yOA7IN_b5&ust=1621769735467000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjeo5iZmd3wAhUNkJQKHU3xAKIQr4kDegUIARChAQ
·
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpinoypanitik.weebly.com%2Fpanahon-ng-hapon.html&psig=AOvVaw3kGqkAPj2HdO-yOA7IN_b5&ust=1621769735467000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjeo5iZmd3wAhUNkJQKHU3xAKIQr4kDegUIARCpAQ
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento