Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2021

Pagsiklab ng Kilusang Gerilya

  Franz Mikhail Torres (Infographics)

Ang Magiting na Heneral

     Si Douglas MacArthur ay kilala bilang isang magiting na sundalo at heneral noong ikalawang digmaang pandaigdig noong 1939-1945. Siya ang punong heneral noon ng Hukbong Pilipinas ng bombahin ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Dahil malakas ang pwersa ng mga sundalong hapon, siya at ang kanyang pamilya ay lumisan patungong Australia. Ang kanyang tanyag na salita "I shall return" o "Ako ay magbabalik" ang naging pag-asa ng bansang Pilipinas upang makalaya sa pananakop ng hapon.   Rhod Whady Bernardo (Digital Sketch)

Umpisa ng Pananakop ng Japan: Martsa ng Kamatayan sa Bataan

       Nangingibabaw ang Hapones hinggil sa pagpasok sa unang linya ng proteksyon sa Bataan at, mula sa Corregidor, walang ibang pagpipilian si MacArthur maliban sa pag-ayos ng isang nakakalungkot at galit na pag-atras sa peninsula. Ang 76,000 nagugutom at nanghihina na mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan ay sumuko sa mga Hapones noong Abril 9, 1942. Hinatid ng mga Hapones ang kanilang mga bilanggo sa isang malupit at kriminal na Death March kung saan 7,000-10,000 ang namatay o pinatay bago magpakita sa internment camps sampung araw ang makalipas.   Patil, H. (January 5, 2021) Japanese Occupation of the Philippines.             https://alchetron.com/Japanese-occupation-of-the-Philippines John Lenard Pineda (Photo)

Pilipino sa Kamay ng mga Hapon

       Sa loob ng tatlong taon, maikli man kung ikukumpara sa daang taong pananakop ng mga Espanyol, higit na pasakit at pangaalipin ang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Taliwas sa ipinangakong payapa at maunlad na bansa, ang mga Hapon ay nagdulot ng lubhang kahirapan sa mga Pilipino.               Ang mga kababaihan ay kanilang ginawang mga comfort women. Maraming kababaihan ang naging biktima ng panggagahasa at pangaalipusta mulas sa mga Hapones. Ang masalimuot na pangyayaring ito ay itinanggi ng pamahalaang Hapon, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992. Nagkaroon din ng suliraning pangkabuhayan noong mga panahong iyon na kung saan nagkulang ang mga Pilipino sa pagkain dahil sa pagkasira ng kanilang mga taniman at sakahan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain. Nagtayo din ito ng mga Bigasang Ba

Kilusang Gerilya at Estados Unidos laban sa mga Hapon

       Isang sugatang ina na patuloy na lumalaban para sa kanyang anak ang sumisimbolo sa katapangan at pakikipaglaban ng Pilipinas laban sa mga manananakop.   Mga sundalong Hapon sa kaliwa na responsible sa pananakop sa ating bansa noong ikalawang digmaang pandaigdig at mga sundalo ng Estados Unidos na tumulong para maipaglaban ang kalayaan ng ating bansa. Nasa likod ang watawat ng bansang Pilipinas at larawan ng mga sundalong Filipino kasama ang mga sundalo ng Estados Unidos. Mary Kayla Zapata (Digital Collage)

Kilusang Gerilya

       Kilusang pag-aalsa laban sa mga hapon, katapangan at kagitingan para sa bayan at ‘sang katauhan. Liwanag ng araw bilang simbulo sa paniniwalang kalayaang tinatamasa ay makakamit. Pagtutulungan at pagkaka-isa, ay mga elementong tinataglay ng bawat isa kasama ang mga kaibigang Amerikanong banyaga,   upang pananakop ng mga Hapon ay mapuksa sa Bayang Pilipinas na ating sariling lupa. Pulang kulay nagsisilbing kahulugan ay paglaban sa karapatang lumaya, mamuhay ng maayos at payapa. Lahat ng tao ay mayroong karapatan mamuhay kung saan man nito nais, ngunit pagiging sakim at pananakop sa teritoryo na hindi naman nito pagmamay-ari ay signus ng pag-usbong ng himagsikan sa pagitan ng dalawang   magkaibang lahi. Camille Yamat (Digital Poster)

Ang Simula ng Panunupil ng Imperyalismong Hapon at Pag-usbong ng Kilusang Gerilya

       Gerilya sa Panahon ng Hapon Sanggunian:  https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18446146251     at Lisensya:    https://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/2.0/ Ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas ay nag-ugat sa hidwaan nito sa Estados Unidos. Nagkaroon ng krisis sa bansang Hapon na nag-ugat sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya. Sa kadahilanang naghihirap ang kanilang bansa, napagpasyahan ng pamahalaang Hapon na sakupin ang mga karatig bansa katulad ng Tsina, upang palawakin ang kanilang teritoryo na siyang balak na pagkunan ng yaman, kasagutan sa kakulangan ng kanilang bansa. Ang Estados Unidos ay isa mga bansang naghayag ng negatibong reaksyon sa kilos na isinagawa ng bansang Hapon.   Hindi nagustuhan ng Estados Unidos ang isinagawang desisyon na pananakop ng Hapon sa karatig nito na mga bansa. Napagpasyahan ng Estados Unidos na putulin ang importasyon ng langis at bakal sa Hapon dahil sa labis na rin na pagdepende nito sa kanila. Yaong mga produkto ay kanilang panguna