Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Simula ng Panunupil ng Imperyalismong Hapon at Pag-usbong ng Kilusang Gerilya

 



    

Gerilya sa Panahon ng Hapon


Ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas ay nag-ugat sa hidwaan nito sa Estados Unidos.

Nagkaroon ng krisis sa bansang Hapon na nag-ugat sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya. Sa kadahilanang naghihirap ang kanilang bansa, napagpasyahan ng pamahalaang Hapon na sakupin ang mga karatig bansa katulad ng Tsina, upang palawakin ang kanilang teritoryo na siyang balak na pagkunan ng yaman, kasagutan sa kakulangan ng kanilang bansa. Ang Estados Unidos ay isa mga bansang naghayag ng negatibong reaksyon sa kilos na isinagawa ng bansang Hapon.

 

Hindi nagustuhan ng Estados Unidos ang isinagawang desisyon na pananakop ng Hapon sa karatig nito na mga bansa. Napagpasyahan ng Estados Unidos na putulin ang importasyon ng langis at bakal sa Hapon dahil sa labis na rin na pagdepende nito sa kanila. Yaong mga produkto ay kanilang pangunahing pangangailangan sa kanilang gamit pangmilitar, kinakailangan nilang gumawa ng paraan upang masolusyunan ang kakulangan na ito. Dahil sa wala ito sa kanilang bansa, napagpasyahan ng Hapon na sakupin ang mga bansang nasa Timog Silangang Asya.

 

Taong 1941, ika-26 ng Nobyembre, nagsimulang maglayag ang militar ng Hapon papuntang Honolulu, Hawaii upang lusubin ang base militar ng Estados Unidos sa Pearl Harbor. Umaga ng ika-7 ng Disyembre, nang sorpresang pasabugin ng mga Militar ng Hapon ang base militar sa Pearl Harbor na nagdulot ng malakihan na pagkawasak ng gamit ng militar at pagkamatay ng mga Amerikanong sundalo na namamalagi sa lugar na iyon. Dahil sa pangyayaring ito, idineklara ni Franklin D. Roosevelt, Presidente ng Estados Unidos, ang digmaan sa pagitan ng mga Hapones.

 

Makalipas ang sampung oras matapos ang paglusob ng militar ng Hapon sa Pearl Harbor, isinunod nila ang pagpapasabog sa isa pang base militar ng Estados Unidos na nasa Clark, Pampanga noong Disyembre 8, 1941. Ito ang naging simula ng pagbagsak ng Pilipinas. Makaraan na bombahin ang Pampanga, itinuloy ng mga sundalong Hapon na lusubin ang iba pa na mga lugar sa Luzon, hanggang sa makarating sila sa Sentro ng Pilipinas, ang Maynila.

 

Dahil sa malakas na pwersa ng Imperyalismong Hapon, noong ika 26 ng Disyembre, taong 1941 ay idineklara ni Heneral Douglas Macarthur na Open City ang Maynila, upang maiwasan ang posibilidad na mas malaking pagkasira ng lugar. Lubos na humina rin ang alyansang Pilipino-Amerikano noong tuluyang sumuko sila sa laban nila sa mga Hapon sa Corregidor. Tuluyan ng pinamahalaan ng militar ng Hapon ang Pilipinas. Kinuha sa mga Pilipino-Amerikanong sundalo ang mga gamit, at tuluyan ng nawalan ng koneksyon ang mga ito sa iba pang kaalyadong grupo. Ngunit may mga nakatakas na sundalo sa mga kamay ng Hapon, tulad na lamang ni Ramon Magsaysay Sr. na naging lider ng isang grupong gerilya sa Kanlurang Luzon.

 

Ang paghina ng pwersang militar Pilipino-Amerikano ang siyang nag-udyok sa pag-usbong ng mga kilusang gerilya sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. Hindi lamang ang “Western Luzon Guerrilla Force” ang nabuong gerilya noon, pati na rin ang gerilya na pinangalanan na Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o mas kilala bilang Hukbalahap ay siyang nabuo rin at pinamunuan ni Luis Taruc na binubuo ng mga magsasaka, komunista, at manggagawa.

 

Ang pag-usbong ng mga grupong nag-aalsa laban sa Hapones ay mas lalong  lumaganap sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ang mga grupong tulad ng Hunters ROTC na binubuo ng mga dating kadete ng Akademya Militar ng Pilipinas na siyang tumulong upang sanayin ang mga mamamayang nag-aalsa patungkol sa paggamit ng radyo, pakikipagkomunikasyon sa iba pang kasama, at  iba pa na pagsasanay upang mas palakasin ang pwersa laban sa mga Hapon.

 

Ang Marking’s Guerilla na nakadestino sa Ipo Dam na pinamunuan ni Kolonel Marcos V. Agustin ay binubuo ng mga mamamayang may edad at ibang pa na mga sundalo. Samantalang ang USAFIP-LN ( Mga Sundalo ng Estados Unidos sa Pilipinas sa Hilagang Luzon) na pinamunuan naman ni Heneral Russell W. Volckmann ay binubuo ng mga Pilipino, Amerikano, at gerilyang sundalo na may mahigit 8,000 na hukbong lakad na nagpoprotekta sa mga lugar na kanilang tinutuluyan. Panghuli ay ang mga Aeta, na siyang malaki ang naitulong para sa mga nag-alsa dahil sa angkin na galing na pagsubaybay sa paparating na kalaban, at kaalaman nila sa kabuuan lupain ng Luzon. Ang mga Aeta rin ang siyang nagpoprotekta at nagbibigay ng makakain sa mga sundalong Pilipino-Amerikano na nagtatago sa mga kabundukan.

 

Ang mga grupo ng kilusang gerilya na ito ay isang malaking tulong upang mas palakasin ang pwersa ng Pilipino-Amerikano laban sa mga Hapon. Hindi man nagtagumpay ang alyansang Pilipino-Amerikano na unang lumaban sa mga Hapon, ay umusbong naman ang bagong pag-asa na nagbibigay liwanag sa panibagong pagkakataon upang lumaya sa mga kamay ng mga manlulupig na ito. Patuloy na lumaban upang makamtan ang kalayaan ng sariling bayan. Mga matatapang na tao na tumindig upang puksain ang mapang-aping dayuhan na tahasang sinisiil ang Pilipinas. Patuloy na binigyang katarungan ang pang-aapi sa mga mamamayan ng Pilipinas.




 Mga Sanggunian

 

Gray, J. (2018, Hulyo 18). Philippines Battles in WW2. Pacific Atrocities Education.
            https://www.pacificatrocities.org/blog/philippines-battles-in-world-war-ii

Author, G. (2018, Hunyo 24). Resistance Warriors of the Philippines. WAR HISTORY ONLINE.
            https://www.warhistoryonline.com/guest-bloggers/philippines-resistance.html

 

Correll,J.T.(2019, Nobyembre 1). Disaster in the Philippines.
            https://www.airforcemag.com/article/disaster-in-the-philippines/

 

AralingPanlipunan. (2013, March 6). https://aralinpanglipunan.wordpress.com/



Crisselle Magallon (Article)


 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Pagdurusa Ng Mga Pilipino Sa Kamay Ng Mga Haponeses

                         Isa ang pananakop ng mga Hapones sa mga kaganapang nagdulot ng matinding pagbabago sa pamumuhay at pangkalahatang kalagayan ng bansang Pilipinas. Sa loob ng tatlong taong pananakop ng mga ito sa bansa, hindi maipagkakaila ang bigat na dinanas ng mga Pilipino sa mapang-abusong kamay ng mga Hapones. Ngunit noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, nagwakas ang kanilang pananakop noong sumuko ang mga ito kay Heneral Douglas MacArthur. Bago mangyari ang nasabing pagsuko ng mga Hapones, ilang hindi malilimutang pangyayari ang naganap tulad ng Bataan Death March; It is estimated that as many as 10,000 men, weakened by disease and malnutrition and treated harshly by their captors, died before reaching their destination. Quezon and Osmeña had accompanied the troops to Corregidor and later left for the United States, where they set up a government in exile. (Congress, n.d.)   Noon rin ay nag-...

Pilipinong Lumalaban para sa Kalayaan

            Ang ating bansa ay sinalakay ng anim na mga bansa at kasama ang Japan. Sinakop ng Japan ang Pilipinas sa loob ng mahigit na tatlong taon ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa Japan sa ating bansa ay ang interethnic na relasyon, mga hidwaan sa teritoryo, mga hidwaan sa dagat, diplomasya at marami pa. Ang ilang mga kadahilanan na humantong sa pagsalakay ng mga Hapon sa Pilipinas kung saan ang perlas na pantalan ng Amerikanong sasakyang panghimpapawid na malubhang napinsala sa unang panahon ng pag-atake ng Hapon na napalaya ang Pilipinas mula sa Hapon ay sa pamamagitan ng heneral na si MacArthur sapagkat tinupad niya ang pangako na ibabalik niya ang Pilipinas at na ang Leyte at Mindoro ay mawawala ang mga sundalong Hapon.           Ipinapakita rin nito kung gaano matapang ang ating mga kapwa Pilipino sa pagpapalaya sa ating bansa mula sa mga mananakop na iyon. Maliban dito, ang mga impluwensyang nagmula sa kanil...

Ang Paglaya ng Pilipinas sa Kamay ng mga Hapon

                     N oong Setyembre 3, 1945 pormal na nag wakas ang pananakop ng mga hapon sa Pilipinas. Rhod Whady Bernardo (Digital Sketch)